Ang Walong Sikreto ng Tagumpay ni Richard St. John
-
0:00 - 0:03Madalas ay dalawang oras ang haba ng presentasyon na ito pag ibinigay ko sa mga mag-aaral ng high school
-
0:03 - 0:04pinaikli ko ito sa tatlong minuto lang.
-
0:04 - 0:07Nagsimula ang lahat habang ako'y nasa eroplano papuntang TED
-
0:07 - 0:08pitong taon na ang nakalilipas.
-
0:08 - 0:09At nakaupo sa tabi ko
-
0:09 - 0:13ay isang mag-aaral ng high school, isang teenager
-
0:13 - 0:15at mula siya sa isang talagang mahirap na pamilya.
-
0:15 - 0:18Nais niyang maging makabuluhan ang buhay niya,
-
0:18 - 0:19kaya't tinanong niya ako.
-
0:19 - 0:21Sabi niya, "Ano ang kailangan ko gawin para magtagumpay sa buhay?
-
0:21 - 0:23At sumama ang loob ko,
-
0:23 - 0:25dahil wala akong mahusay na sagot na maibibigay sa kanya.
-
0:25 - 0:28Kaya sa pagbaba ko mula sa eroplano, at pagpunta ko sa TED,
-
0:28 - 0:31naisip ko, onga pala, ako'y napaliligiran ng mga taong nagtagumpay na sa buhay!
-
0:31 - 0:34Bakit hindi ko kaya sila tanungin kung ano ang nakatulong sa kanilang pagtagumpay,
-
0:34 - 0:36at ituro ito sa kabataan?
-
0:36 - 0:40So narito tayo, pagkatapos ng pitong taon at limang daan na interview,
-
0:40 - 0:43at sasabihin ko sa inyo kung ano ang patungo sa tagumpay
-
0:43 - 0:45at kung ano ang nagpapatakbo sa mga TED-sters.
-
0:45 - 0:47Ang pinakauna ay ang pusok ng damdamin.
-
0:47 - 0:50Sabi ni Freeman Thomas, "Pinatatakbo ako ng pusok ng aking damdamin."
-
0:50 - 0:53Nagpapatuloy ang mga TED-sters sa ginagawa nila dahil sa pagmamahal, hindi dahil sa pera.
-
0:53 - 0:56Sabi ni Carol Coletta, "Handa akong bayaran ang taong kaya ang trabaho ko."
-
0:56 - 0:58At ang pinakanakatatawag pansin ay,
-
0:58 - 1:00kung ginawa mo ang isang bagay dahil mahal mo ito, darating din ang pera.
-
1:00 - 1:04Sipag! Sabi ni Rupert Murdoch sa akin, "Puro sipag ang kailangan."
-
1:04 - 1:06Walang madali. Pero nasisiyahan ako.
-
1:06 - 1:10Sinabi niya bang nasisiyahan? Rupert? Oo!
-
1:10 - 1:14Nasisiyahan ang mga TED-sters sa trabaho nila. At masipag sila.
-
1:14 - 1:17Naisip ko, hindi sila lulong sa pagtrabaho, pinaghahalo nila ang trabaho at laro
-
1:18 - 1:24Okey! "Kung gusto mong magtagumpay, pag-igihan mo ang pansin sa isang bagay
-
1:24 - 1:25at sobrang galingan mo."
-
1:25 - 1:28Walang magik, puro ensayo, ensayo, ensayo.
-
1:28 - 1:31At mahalaga rin ang pokus. Sabi ni Norman Jewison sa akin,
-
1:31 - 1:34"Kailangangang i-pokus mo ang sarili mo sa isang bagay."
-
1:34 - 1:38At magsumikap! Sabi ni David Gallo, "Magsumikap ka
-
1:38 - 1:40sa pisikal at mental na aspeto, kailangangang magsumikap, magsumikap, magsumikap."
-
1:40 - 1:43Kailangan lamapasan mo ang pagkamahiyain at pagduda sa sarili.
-
1:43 - 1:46Sabi ni Goldie Hawn. "Lagi akong may pag-aalinlangan.
-
1:46 - 1:48Hindi sapat ang galing ko, hindi sapat ang talino ko.
-
1:48 - 1:50Hindi ko inakalang kakayanin ko."
-
1:50 - 1:52Hindi laging madaling magsumikap,
-
1:52 - 1:57kaya naimbento ang mga nanay. (Tawanan)
-
1:57 - 2:00Frank Gehry – Sabi ni Frank Gehry sa akin,
-
2:00 - 2:01"Tinulak ako ng nanay ko."
-
2:02 - 2:07Magsilbi! Sabi ni Sherwin Nulang, "Isang pribilehiyo ang magsilbi bilang duktor."
-
2:07 - 2:10Ngayon, marami sa kabataan ang nagsasabi sa akin na nais nila maging milyonaryo.
-
2:10 - 2:11At ang unang sinasabi ko sa kanila ay,
-
2:11 - 2:13OK, hindi mo maaring pagsilbihan ang sarili mo,
-
2:13 - 2:15kailangan may halaga kang maibahagi sa iba.
-
2:15 - 2:18Sa ganoong paraan yumayaman ang tao."
-
2:19 - 2:23Mga ideya. Sabi ni TED-ster Bill Gates, "Nagkaroon ako ng ideya –
-
2:23 - 2:26ang pagtatag ng unang kumpanya ng micro-computer software.'
-
2:26 - 2:28Masasabi kong maganda ang ideya niya.
-
2:28 - 2:31at walang magik sa pagiging malikhain sa pag-iisip ng mga ideya,
-
2:31 - 2:33nasa paggawa ito ng mga simpleng bagay-bagay.
-
2:33 - 2:35At marami akong binibigay na katibayan.
-
2:35 - 2:37Magtiyaga. Sabi ni Joe Kraus,
-
2:37 - 2:40Ang pagtitiyaga ang unang dahilan ng aming tagumpay."
-
2:40 - 2:44Kailangan kang magtiyaga kahit na mabigo. Kailangan magtiyaga para malampasan ang hirap!
-
2:44 - 2:47Ibig sabihin "Pagpuna, Pagtanggi, mga Gago at Pighati."
-
2:47 - 2:49(Tawanan)
-
2:50 - 2:54Kaya, simple lang ang sagot sa tanong na ito:
-
2:54 - 2:57Magbayad ng apat na libong dolyar at pumunta sa TED.
-
2:57 - 3:00O, kung hindi maaari, gawin ang walong bagay – at maniwala ka,
-
3:00 - 3:04ito ang walong malaking mga bagay na tutungo sa tagumpay.
-
3:04 - 3:06Maraming salamat mga TED-sters para sa lahat ng inyong interview!
- Title:
- Ang Walong Sikreto ng Tagumpay ni Richard St. John
- Speaker:
- Richard St. John
- Description:
-
Bakit nagtatagumpay ang mga tao? Dahil ba sa talino? O sa suwerte? Wala sa dalawa. Pinaikli ni Richard St. John ang produkto ng napakaraming interview sa isang di pwedeng palampasing tatlong minutong slideshow tungkol sa totoong sikreto ng tagumpay.
- Video Language:
- English
- Team:
- closed TED
- Project:
- TEDTalks
- Duration:
- 03:13