0:00:00.000,0:00:03.000 Madalas ay dalawang oras ang haba ng presentasyon na ito pag ibinigay ko sa mga mag-aaral ng high school 0:00:03.000,0:00:04.000 pinaikli ko ito sa tatlong minuto lang. 0:00:04.000,0:00:07.000 Nagsimula ang lahat habang ako'y nasa eroplano papuntang TED 0:00:07.000,0:00:08.000 pitong taon na ang nakalilipas. 0:00:08.000,0:00:09.000 At nakaupo sa tabi ko 0:00:09.000,0:00:13.000 ay isang mag-aaral ng high school, isang teenager 0:00:13.000,0:00:15.000 at mula siya sa isang talagang mahirap na pamilya. 0:00:15.000,0:00:18.000 Nais niyang maging makabuluhan ang buhay niya, 0:00:18.000,0:00:19.000 kaya't tinanong niya ako. 0:00:19.000,0:00:21.000 Sabi niya, "Ano ang kailangan ko gawin para magtagumpay sa buhay? 0:00:21.000,0:00:23.000 At sumama ang loob ko, 0:00:23.000,0:00:25.000 dahil wala akong mahusay na sagot na maibibigay sa kanya. 0:00:25.000,0:00:28.000 Kaya sa pagbaba ko mula sa eroplano, at pagpunta ko sa TED, 0:00:28.000,0:00:31.000 naisip ko, onga pala, ako'y napaliligiran ng mga taong nagtagumpay na sa buhay! 0:00:31.000,0:00:34.000 Bakit hindi ko kaya sila tanungin kung ano ang nakatulong sa kanilang pagtagumpay, 0:00:34.000,0:00:36.000 at ituro ito sa kabataan? 0:00:36.000,0:00:40.000 So narito tayo, pagkatapos ng pitong taon at limang daan na interview, 0:00:40.000,0:00:43.000 at sasabihin ko sa inyo kung ano ang patungo sa tagumpay 0:00:43.000,0:00:45.000 at kung ano ang nagpapatakbo sa mga TED-sters. 0:00:45.000,0:00:47.000 Ang pinakauna ay ang pusok ng damdamin. 0:00:47.000,0:00:50.000 Sabi ni Freeman Thomas, "Pinatatakbo ako ng pusok ng aking damdamin." 0:00:50.000,0:00:53.000 Nagpapatuloy ang mga TED-sters sa ginagawa nila dahil sa pagmamahal, hindi dahil sa pera. 0:00:53.000,0:00:56.000 Sabi ni Carol Coletta, "Handa akong bayaran ang taong kaya ang trabaho ko." 0:00:56.000,0:00:58.000 At ang pinakanakatatawag pansin ay, 0:00:58.000,0:01:00.000 kung ginawa mo ang isang bagay dahil mahal mo ito, darating din ang pera. 0:01:00.000,0:01:04.000 Sipag! Sabi ni Rupert Murdoch sa akin, "Puro sipag ang kailangan." 0:01:04.000,0:01:06.000 Walang madali. Pero nasisiyahan ako. 0:01:06.000,0:01:10.000 Sinabi niya bang nasisiyahan? Rupert? Oo! 0:01:10.000,0:01:14.000 Nasisiyahan ang mga TED-sters sa trabaho nila. At masipag sila. 0:01:14.000,0:01:17.000 Naisip ko, hindi sila lulong sa pagtrabaho, pinaghahalo nila ang trabaho at laro 0:01:18.000,0:01:24.000 Okey! "Kung gusto mong magtagumpay, pag-igihan mo ang pansin sa isang bagay 0:01:24.000,0:01:25.000 at sobrang galingan mo." 0:01:25.000,0:01:28.000 Walang magik, puro ensayo, ensayo, ensayo. 0:01:28.000,0:01:31.000 At mahalaga rin ang pokus. Sabi ni Norman Jewison sa akin, 0:01:31.000,0:01:34.000 "Kailangangang i-pokus mo ang sarili mo sa isang bagay." 0:01:34.000,0:01:38.000 At magsumikap! Sabi ni David Gallo, "Magsumikap ka 0:01:38.000,0:01:40.000 sa pisikal at mental na aspeto, kailangangang magsumikap, magsumikap, magsumikap." 0:01:40.000,0:01:43.000 Kailangan lamapasan mo ang pagkamahiyain at pagduda sa sarili. 0:01:43.000,0:01:46.000 Sabi ni Goldie Hawn. "Lagi akong may pag-aalinlangan. 0:01:46.000,0:01:48.000 Hindi sapat ang galing ko, hindi sapat ang talino ko. 0:01:48.000,0:01:50.000 Hindi ko inakalang kakayanin ko." 0:01:50.000,0:01:52.000 Hindi laging madaling magsumikap, 0:01:52.000,0:01:57.000 kaya naimbento ang mga nanay. (Tawanan) 0:01:57.000,0:02:00.000 Frank Gehry – Sabi ni Frank Gehry sa akin, 0:02:00.000,0:02:01.000 "Tinulak ako ng nanay ko." 0:02:02.000,0:02:07.000 Magsilbi! Sabi ni Sherwin Nulang, "Isang pribilehiyo ang magsilbi bilang duktor." 0:02:07.000,0:02:10.000 Ngayon, marami sa kabataan ang nagsasabi sa akin na nais nila maging milyonaryo. 0:02:10.000,0:02:11.000 At ang unang sinasabi ko sa kanila ay, 0:02:11.000,0:02:13.000 OK, hindi mo maaring pagsilbihan ang sarili mo, 0:02:13.000,0:02:15.000 kailangan may halaga kang maibahagi sa iba. 0:02:15.000,0:02:18.000 Sa ganoong paraan yumayaman ang tao." 0:02:19.000,0:02:23.000 Mga ideya. Sabi ni TED-ster Bill Gates, "Nagkaroon ako ng ideya – 0:02:23.000,0:02:26.000 ang pagtatag ng unang kumpanya ng micro-computer software.' 0:02:26.000,0:02:28.000 Masasabi kong maganda ang ideya niya. 0:02:28.000,0:02:31.000 at walang magik sa pagiging malikhain sa pag-iisip ng mga ideya, 0:02:31.000,0:02:33.000 nasa paggawa ito ng mga simpleng bagay-bagay. 0:02:33.000,0:02:35.000 At marami akong binibigay na katibayan. 0:02:35.000,0:02:37.000 Magtiyaga. Sabi ni Joe Kraus, 0:02:37.000,0:02:40.000 Ang pagtitiyaga ang unang dahilan ng aming tagumpay." 0:02:40.000,0:02:44.000 Kailangan kang magtiyaga kahit na mabigo. Kailangan magtiyaga para malampasan ang hirap! 0:02:44.000,0:02:47.000 Ibig sabihin "Pagpuna, Pagtanggi, mga Gago at Pighati." 0:02:47.000,0:02:49.000 (Tawanan) 0:02:50.000,0:02:54.000 Kaya, simple lang ang sagot sa tanong na ito: 0:02:54.000,0:02:57.000 Magbayad ng apat na libong dolyar at pumunta sa TED. 0:02:57.000,0:03:00.000 O, kung hindi maaari, gawin ang walong bagay – at maniwala ka, 0:03:00.000,0:03:04.000 ito ang walong malaking mga bagay na tutungo sa tagumpay. 0:03:04.000,0:03:06.000 Maraming salamat mga TED-sters para sa lahat ng inyong interview!