Ang walong lihim ng tagumpay ayon kay Richard St. John
-
0:00 - 0:03Sa totoo lang, ito ay dalawang oras na pagtalakay na binibigay ko sa mga mag-aaral ng high school
-
0:03 - 0:04na pinaikli sa tatlong minuto.
-
0:04 - 0:07Nagsimula ito isang araw sa eroplano habang papunta ako sa TED
-
0:07 - 0:08pitong taon na ang nakakalipas.
-
0:08 - 0:09At sa upuang katabi ko
-
0:09 - 0:13ay isang mag-aaral ng high school, isang dalaga,
-
0:13 - 0:15na nanggaling sa isang mahirap na pamilya.
-
0:15 - 0:18At gusto niyang gumawa ng mahalaga ang buhay nya
-
0:18 - 0:19kaya tinanong niya ako.
-
0:19 - 0:21Wika niya, "Anu-ano ang magdadala sa tagumpay?"
-
0:21 - 0:23Sumama ang loob ko,
-
0:23 - 0:25dahil wala akong maibigay na makabuluhang sagot sa kanya.
-
0:25 - 0:28Kaya nang makalapag ang eroplano, at makarating ako sa TED
-
0:28 - 0:31Naisip ko, grabe, napalilibutan ako ng mga matagumpay na tao!
-
0:31 - 0:34Paano kung itanong ko na lang kung anu-ano ang nagtulak sa kanila upang magtagumpay,
-
0:34 - 0:36at maibahagi ko sa mga bata?
-
0:36 - 0:40Kaya andito tayo, makalipas ang pitong taon, at limang daang pakikipanayam,
-
0:40 - 0:43sasabihin ko na sa inyo kung paano talaga magtagumpay
-
0:43 - 0:45at kung anong meron ang mga TED-sters.
-
0:45 - 0:47Ang pinaka-una ay ang silakbo ng damdamin.
-
0:47 - 0:50Sabi ni Freeman Thomas, "Mahal ko ang ginagawa ko."
-
0:50 - 0:53Mahal ng mga TED-ster ang ginagawa nila, at hindi lang dahil sa pera.
-
0:53 - 0:56Wika nga ni Carol Coletta, "Kahit pa magbayad ako upang gawin ang ginagawa ko ngayon."
-
0:56 - 0:58At ang maganda doon,
-
0:58 - 1:00kapag mahal mo ang ginagawa mo, susunod din naman ang pera.
-
1:00 - 1:04Pagsisikap! Sabi ni Rupert Murdoch sa akin, "Nasa pagsisikap yan.
-
1:04 - 1:06Walang madali sa buhay. Pero masaya naman ako."
-
1:06 - 1:10"Masaya" ba ang sinabi ni Rupert? Oo!
-
1:10 - 1:14Masaya ang mga TED-sters sa kanilang pagsisikap. At nagtratrabaho sila ng maigi.
-
1:14 - 1:17Sa tingin ko, hindi naman sila workaholics. Sila ay workafrolics.
-
1:18 - 1:24Kahusayan! Sabi ni Alex Garden, "Para magtagumpay, pumili ka ng pagkakaabalahan
-
1:24 - 1:25at paghusayan mo."
-
1:25 - 1:28Walang salamangka, praktis, praktis, at praktis lang yan.
-
1:28 - 1:31At ang pagtuon ng pansin. Wika ni Norman Jewison sa akin,
-
1:31 - 1:34"Palagay ko, ang pinakamahalaga ay ang pagtutok ng sarili sa iisang bagay"
-
1:34 - 1:38At paghamon! Ayon kay David Gallo, "Hamunin ang sarili.
-
1:38 - 1:40sa gawa, sa isip, hamunin mo ng lubos."
-
1:40 - 1:43Lagpasan mo ang pagkamahiyain at pagdududa sa sarili.
-
1:43 - 1:46Sabi ni Goldie Hawn, "Noon lagi akong may pagdududa sa sarili.
-
1:46 - 1:48Di sapat ang galing ko, di sapat ang talino ko.
-
1:48 - 1:50Hindi ko naisip na magagawa ko."
-
1:50 - 1:52Gayunman, hindi madaling hamunin ang sarili,
-
1:52 - 1:57kaya nandiyan ang mga nanay. (Tawanan)
-
1:57 - 2:00Frank Gehry -- Sabi ni Frank Gehry sa akin,
-
2:00 - 2:01"Ang nanay ko ang nagtulak sa akin."
-
2:02 - 2:07Magsilbi! Sabi ni Sherwin Nuland, "Isang karangalan ang magsilbi bilang doktor."
-
2:07 - 2:10Gayunman, maraming bata ang nagsasabi sa akin na gusto nilang maging milyonaryo.
-
2:10 - 2:11At ang una kong sinasabi sa kanila ay,
-
2:11 - 2:13"OK, ngunit hindi naman maaring pagsilbihan ang sarili,
-
2:13 - 2:15kaya't marapat lang na magbigay ng pagpapahalaga sa iba.
-
2:15 - 2:18Dahil iyon ang tunay na yaman."
-
2:19 - 2:23Ideya. Sabi ni TED-ster Bill Gates, "May naisip akong ideya --
-
2:23 - 2:26na simulan ang pinaka-unang kumpanya ng micro-computer software."
-
2:26 - 2:28Masasabi kong napakaganda ng ideyang iyon.
-
2:28 - 2:31At walang salamangka sa paglikha ng mga ideya,
-
2:31 - 2:33Kinakailangan lang na gumawa ng mga madadaling bagay.
-
2:33 - 2:35At marami akong binibigay na halimbawa.
-
2:35 - 2:37Magtiyaga. Sabi ni Joe Kraus,
-
2:37 - 2:40"Pagtitiyaga ang pangunahing dahilan ng aming tagumpay."
-
2:40 - 2:44Magtiyaga ka kahit mabigo man. Magtiyaga ka, kahit ito ay CRAP(basura)!
-
2:44 - 2:47na ang ibig sabihin ay "Criticism (panlalait), Rejection (pagtakwil), Assholes (mga gago), at Pressure (sapilitan)."
-
2:47 - 2:49(Tawanan)
-
2:50 - 2:54Kung kaya, ang malaking sagot sa ating tanong ay simple lang:
-
2:54 - 2:57Magbayad ka ng apat na libong dolyar at dumalo sa TED.
-
2:57 - 3:00Kung hindi man, gawin mo ang walong ito -- at maniwala ka sa akin,
-
3:00 - 3:04ito ang walong malalaking bagay na magdadala ng tagumpay.
-
3:04 - 3:06Salamat mga TED-ster sa lahat ng pakikipanayam!
- Title:
- Ang walong lihim ng tagumpay ayon kay Richard St. John
- Speaker:
- Richard St. John
- Description:
-
Bakit nagtatagumpay ang isang tao? Dahil ba matalino siya? O dahil ba sa swerte? Parehong hindi. Inipon ni Richard St. John ang tatlong taong pakikipanayam sa loob ng tatlong minuto upang talakayin ang mga tunay na lihim ng tagumpay.
- Video Language:
- English
- Team:
- closed TED
- Project:
- TEDTalks
- Duration:
- 03:13