0:00:00.000,0:00:03.000 Sa totoo lang, ito ay dalawang oras na pagtalakay na binibigay ko sa mga mag-aaral ng high school 0:00:03.000,0:00:04.000 na pinaikli sa tatlong minuto. 0:00:04.000,0:00:07.000 Nagsimula ito isang araw sa eroplano habang papunta ako sa TED 0:00:07.000,0:00:08.000 pitong taon na ang nakakalipas. 0:00:08.000,0:00:09.000 At sa upuang katabi ko 0:00:09.000,0:00:13.000 ay isang mag-aaral ng high school, isang dalaga, 0:00:13.000,0:00:15.000 na nanggaling sa isang mahirap na pamilya. 0:00:15.000,0:00:18.000 At gusto niyang gumawa ng mahalaga ang buhay nya 0:00:18.000,0:00:19.000 kaya tinanong niya ako. 0:00:19.000,0:00:21.000 Wika niya, "Anu-ano ang magdadala sa tagumpay?" 0:00:21.000,0:00:23.000 Sumama ang loob ko, 0:00:23.000,0:00:25.000 dahil wala akong maibigay na makabuluhang sagot sa kanya. 0:00:25.000,0:00:28.000 Kaya nang makalapag ang eroplano, at makarating ako sa TED 0:00:28.000,0:00:31.000 Naisip ko, grabe, napalilibutan ako ng mga matagumpay na tao! 0:00:31.000,0:00:34.000 Paano kung itanong ko na lang kung anu-ano ang nagtulak sa kanila upang magtagumpay, 0:00:34.000,0:00:36.000 at maibahagi ko sa mga bata? 0:00:36.000,0:00:40.000 Kaya andito tayo, makalipas ang pitong taon, at limang daang pakikipanayam, 0:00:40.000,0:00:43.000 sasabihin ko na sa inyo kung paano talaga magtagumpay 0:00:43.000,0:00:45.000 at kung anong meron ang mga TED-sters. 0:00:45.000,0:00:47.000 Ang pinaka-una ay ang silakbo ng damdamin. 0:00:47.000,0:00:50.000 Sabi ni Freeman Thomas, "Mahal ko ang ginagawa ko." 0:00:50.000,0:00:53.000 Mahal ng mga TED-ster ang ginagawa nila, at hindi lang dahil sa pera. 0:00:53.000,0:00:56.000 Wika nga ni Carol Coletta, "Kahit pa magbayad ako upang gawin ang ginagawa ko ngayon." 0:00:56.000,0:00:58.000 At ang maganda doon, 0:00:58.000,0:01:00.000 kapag mahal mo ang ginagawa mo, susunod din naman ang pera. 0:01:00.000,0:01:04.000 Pagsisikap! Sabi ni Rupert Murdoch sa akin, "Nasa pagsisikap yan. 0:01:04.000,0:01:06.000 Walang madali sa buhay. Pero masaya naman ako." 0:01:06.000,0:01:10.000 "Masaya" ba ang sinabi ni Rupert? Oo! 0:01:10.000,0:01:14.000 Masaya ang mga TED-sters sa kanilang pagsisikap. At nagtratrabaho sila ng maigi. 0:01:14.000,0:01:17.000 Sa tingin ko, hindi naman sila workaholics. Sila ay workafrolics. 0:01:18.000,0:01:24.000 Kahusayan! Sabi ni Alex Garden, "Para magtagumpay, pumili ka ng pagkakaabalahan 0:01:24.000,0:01:25.000 at paghusayan mo." 0:01:25.000,0:01:28.000 Walang salamangka, praktis, praktis, at praktis lang yan. 0:01:28.000,0:01:31.000 At ang pagtuon ng pansin. Wika ni Norman Jewison sa akin, 0:01:31.000,0:01:34.000 "Palagay ko, ang pinakamahalaga ay ang pagtutok ng sarili sa iisang bagay" 0:01:34.000,0:01:38.000 At paghamon! Ayon kay David Gallo, "Hamunin ang sarili. 0:01:38.000,0:01:40.000 sa gawa, sa isip, hamunin mo ng lubos." 0:01:40.000,0:01:43.000 Lagpasan mo ang pagkamahiyain at pagdududa sa sarili. 0:01:43.000,0:01:46.000 Sabi ni Goldie Hawn, "Noon lagi akong may pagdududa sa sarili. 0:01:46.000,0:01:48.000 Di sapat ang galing ko, di sapat ang talino ko. 0:01:48.000,0:01:50.000 Hindi ko naisip na magagawa ko." 0:01:50.000,0:01:52.000 Gayunman, hindi madaling hamunin ang sarili, 0:01:52.000,0:01:57.000 kaya nandiyan ang mga nanay. (Tawanan) 0:01:57.000,0:02:00.000 Frank Gehry -- Sabi ni Frank Gehry sa akin, 0:02:00.000,0:02:01.000 "Ang nanay ko ang nagtulak sa akin." 0:02:02.000,0:02:07.000 Magsilbi! Sabi ni Sherwin Nuland, "Isang karangalan ang magsilbi bilang doktor." 0:02:07.000,0:02:10.000 Gayunman, maraming bata ang nagsasabi sa akin na gusto nilang maging milyonaryo. 0:02:10.000,0:02:11.000 At ang una kong sinasabi sa kanila ay, 0:02:11.000,0:02:13.000 "OK, ngunit hindi naman maaring pagsilbihan ang sarili, 0:02:13.000,0:02:15.000 kaya't marapat lang na magbigay ng pagpapahalaga sa iba. 0:02:15.000,0:02:18.000 Dahil iyon ang tunay na yaman." 0:02:19.000,0:02:23.000 Ideya. Sabi ni TED-ster Bill Gates, "May naisip akong ideya -- 0:02:23.000,0:02:26.000 na simulan ang pinaka-unang kumpanya ng micro-computer software." 0:02:26.000,0:02:28.000 Masasabi kong napakaganda ng ideyang iyon. 0:02:28.000,0:02:31.000 At walang salamangka sa paglikha ng mga ideya, 0:02:31.000,0:02:33.000 Kinakailangan lang na gumawa ng mga madadaling bagay. 0:02:33.000,0:02:35.000 At marami akong binibigay na halimbawa. 0:02:35.000,0:02:37.000 Magtiyaga. Sabi ni Joe Kraus, 0:02:37.000,0:02:40.000 "Pagtitiyaga ang pangunahing dahilan ng aming tagumpay." 0:02:40.000,0:02:44.000 Magtiyaga ka kahit mabigo man. Magtiyaga ka, kahit ito ay CRAP(basura)! 0:02:44.000,0:02:47.000 na ang ibig sabihin ay "Criticism (panlalait), Rejection (pagtakwil), Assholes (mga gago), at Pressure (sapilitan)." 0:02:47.000,0:02:49.000 (Tawanan) 0:02:50.000,0:02:54.000 Kung kaya, ang malaking sagot sa ating tanong ay simple lang: 0:02:54.000,0:02:57.000 Magbayad ka ng apat na libong dolyar at dumalo sa TED. 0:02:57.000,0:03:00.000 Kung hindi man, gawin mo ang walong ito -- at maniwala ka sa akin, 0:03:00.000,0:03:04.000 ito ang walong malalaking bagay na magdadala ng tagumpay. 0:03:04.000,0:03:06.000 Salamat mga TED-ster sa lahat ng pakikipanayam!