Ano ang pinaka naka-mamanghang bagay na maaari mong ibahagi sa amin tungkol sa ating kalawakan? Ang pinaka nakamamanghang bagay, ay ang kaalaman na ang mga atoms na bumubuo sa buhay sa mundo yung mga atoms na bumubuo sa ating mga katawan ay mababalikan natin sa mga bagay na gumawa ng mga 'light elements' na naging 'heavy elements' sa gitna ng mga bituin sa gitna ng matinding mga kondisyon at temperatura, Ang mga bituin na iyon, yung mga bituing mas malalaki kaysa sa iba ay unti unting nanghina at gumuho't sumabog at kinalat ang kanilang mga elemento sa buong kalawakan, mga elementong binubuo ng carbon, nitrogen, oxygen at lahat ng mahahalaga pang bagay na kailangan para sa buhay Ang mga elementong ito ay naging parte ng mga gas clouds na nag-condense, nag-collapse at bumuo sa mga sumunod na henerasyon ng mga solar systems na mayroong mga bituing may mga umiikot na planeta, at ngayon nasa mga planetang iyon ang mga bagay o elementong mahalaga para sa buhay, Kaya kapag ako'y tumitingin sa langit kapag gabi, at alam ko na oo, parte tayo ng kalawakang ito, na tayo'y nasa kalawakang ito, pero ang mas importante pa sa dalawang ito ay ang Kalawakan ay nasa sa atin. Kapag naiisip ko iyon, tumitingin ako sa taas- maraming taong nanliliit sa kanilang sarili dahil maliit sila at malaki ang kalawakan pero nararamdaman kong ako'y malaki, dahil ang aking mga atoms ay galing sa mga bituin na iyon. Na mayroon kaming koneksyon. At ayon ang gusto natin sa buhay, gusto nating maramdaman ang koneksyon, gusto nating maging importante, gusto nating maramdaman na tayo'y parte sa mga bagay na nangyayari sa ating paligid. Lahat tayong mga tao ay ganoon na nabubuhay lamang...