Hey, welcome sa Twitter
Pumunta tayo sa mga basics
sa Twitter mayroong
mga maliliit na tumpok ng impormasyong tinatawag na Tweets
mabibilis na updates tulad na nga ng isang text message
Pero ang tweet ay higit pa sa pagiging text
maaari itong magtaglay ng mga litratong ini-upload sa Twitter
video na maaari mong panoorin sa Twitter
o kaya ay link sa isang kahanga-hangang nilalaman sa web
ang daloy ng iyong mga Tweets ay ang iyong Twitter
at ginagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-follow ng mga accounts
na kaakit-akit para sayo
Noong una kang sumali, walang kalaman-laman ang iyong Twitter
ngunit habang ikaw ay nag-sisign up, tutulungan ka naming maghanap ng mga accounts
na tumutugma sa iyong mga interes.
Pumili lamang ng mga katgorya na iyong gusto tulad ng
libangan, balita, isports, o ilagay ang iyong paboritong hobby
at saka namin ipapakita ang aming mga nirekomendang accounts sa mga area na iyon
kapag iyong pinindot ang Follow, makikita mo
ang mga Tweets galing sa account na iyon sa iyong Twitter
Ang pagpindot sa pangalan o kaya naman ay larawan
ay magsasabi sayo ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa account
Bibigyan ka rin nito ng pagpipilian kung sila ay i-fofollow mo o hindi.
Ang pag-follow ay hindi permanente, maaari mong
i-unfollow ang mga accounts na ayaw mo
o maghanap ng accounts na maaaring nakaligtaan mo
kapag tapos ka na sa pag-sign up
Mahalagang malaman mo na hindi mo kailangag mag-tweet
upang ma-enjoy ang Twitter
Marami ang gumagamit lamang nito upang makinig kaysa magbahagi
Kapag natapos mo na ang iyong Twitter profile
sa pamamagitan ng pag-upload ng litrato at pagkumpleto ng iyong bio
maaari mong i-download ang app
upang dalhin ang Twitter sa iyong smartphone
Ito ang pinakamahusay na paraan upang maging up to date sa
lahat ng bagay na iyong iniintindi habang on the go ka
Hayan na!
Pindutin lamang ang Next button sa baba
at dadalhin ka namin sa mga susunod.