Mga Himala ng Wika ng Tao Panimula sa Linggwistiks Hi. Ako si Marc van Oostendorp. Ito ang Leiden University. Maligayang pagdating sa kursong Mga Himala ng Wika ng Tao Ito ang aming studio kung saan ginawa ang kursong puno ng sorpresa, puno ng himala ng wika ng tao. Ang kurso Ang kursong ito ay tungkol sa pagkakaiba. Well, ito ay tungkol sa pagkakaiba at pagkakapareho. At ito ay dahil merong higit kumulang 6,000 na wika sa mundo. At marami ito, lahat magkakaiba. ngunit may pagkakapareho rin. Paano ito nangyari? Ito ang isang importanteng bagay na aalamin natin sa kursong ito. At aaralin natin ito sa limang modyul. Sa unang modyul, pag-uusapan natin ang mga tanong tulad ng "Ano ang nagpapakatao sa wika?" "Ano ang pinagkaiba nito, halimbawa, sa wika ng mga hayop?" At makikita rin natin papaano nagtatrabaho ang mga linggwistiko. Maraming iba't ibang klase ng linggwistiko, at makikilala natin sila. Sa pangalawang modyul, pag-uusapan natin ang tunog ng wika. Paano nagagawa ang tunog? Ano ang pagkaka-iba ng tunog? Paano natin inoorganisa ang tunog sa ating utak? Sa pangatlong modyul, pag-uusapan natin ang mga salita at pangungusap. Paano nagkakaiba sa paggawa ng mga salita ang mga wika? Paano sila nagkakaiba sa paglilipon nga mga salita upang bumuo ng pangungusap? Sa pang-apat ng modyul, pag-uusapan natin ang kahulugan. Paano natin binibigyang kahulugan ang mga salita at pangungusap sa wika ng tao? Paano nagkakaiba ang mga wika rito? At sa panglimang modyul, pag-uusapan natin ang panlipunang konteksto ng wika. Pag-uusapan natin kung papaano ito ginagamit, halimbawa, sa pang-araw-araw na buhay. Dahil ito ay tungkol sa pagkakaiba-iba, meron ding pagkakaiba-iba sa bawat modyul. Hindi lang ako ang nagpapaliwanag ng mga bagay sa iyo. Meron din tayong diskusyon kasama ang mga estudyante at meron ding mga panayam kasama ang mga eksperto, mga linggwistiko mula sa Netherlands, at iba pang bansa tungkol sa linggwistik, at sa kanilang trabaho. Ngunit higit sa lahat, meron tayong mga nagsasalita ng iba't ibang wika Meron kaming nakitang anim na nagsasalita ng iba't ibang natatanging wika. At magbibigay sila ng halimbawa kung papaano nila sinasambit ang kanilang salita at pangungusap sa kanilang wika. At bahala na kayong kumilatis sa mga halimbawang ito. At kung ikaw ay nasa advanced track o mahilig sa ganoon, iniimbitahan namin kayong magsumite ng iyong sariling wika. Gumawa ng video na kung saan sinasabi ang mga salita at pangungusap ng inyong wika. At pagkatapos, maaaring kilatisin ito ng ibang estudyante. Iniimbitahan rin namin kayo na makilahok. Meron tayong online forum sa ating pahina. at kung mahilig kayo sa ganitong bagay, meron din tayong Facebook group kung saan kayo maaring magtalakay ng mga bagay. Ngunit sa kahit anong kaso, nais namin kayong makita sa unang modyul ng ating kurso sa Mga Himala ng Wika ng Tao. Mga Himala ng Wika ng Tao Panimula sa Linggwistiks