Mga Himala ng Wika ng Tao
Panimula sa Linggwistiks
Hi.
Ako si Marc van Oostendorp.
Ito ang Leiden University.
Maligayang pagdating sa kursong
Mga Himala ng Wika ng Tao
Ito ang aming studio kung saan
ginawa ang kursong puno ng sorpresa,
puno ng himala ng wika ng tao.
Ang kurso
Ang kursong ito ay tungkol sa pagkakaiba.
Well, ito ay tungkol sa
pagkakaiba at pagkakapareho.
At ito ay dahil merong higit kumulang
6,000 na wika sa mundo.
At marami ito, lahat magkakaiba.
ngunit may pagkakapareho rin.
Paano ito nangyari?
Ito ang isang importanteng bagay
na aalamin natin sa kursong ito.
At aaralin natin ito sa limang modyul.
Sa unang modyul, pag-uusapan natin
ang mga tanong tulad ng
"Ano ang nagpapakatao sa wika?"
"Ano ang pinagkaiba nito,
halimbawa, sa wika ng mga hayop?"
At makikita rin natin papaano
nagtatrabaho ang mga linggwistiko.
Maraming iba't ibang klase ng
linggwistiko, at makikilala natin sila.
Sa pangalawang modyul, pag-uusapan
natin ang tunog ng wika.
Paano nagagawa ang tunog?
Ano ang pagkaka-iba ng tunog?
Paano natin inoorganisa
ang tunog sa ating utak?
Sa pangatlong modyul, pag-uusapan
natin ang mga salita at pangungusap.
Paano nagkakaiba sa paggawa
ng mga salita ang mga wika?
Paano sila nagkakaiba sa paglilipon
nga mga salita upang bumuo ng pangungusap?
Sa pang-apat ng modyul,
pag-uusapan natin ang kahulugan.
Paano natin binibigyang kahulugan ang
mga salita at pangungusap sa wika ng tao?
Paano nagkakaiba ang mga wika rito?
At sa panglimang modyul, pag-uusapan
natin ang panlipunang konteksto ng wika.
Pag-uusapan natin kung papaano ito
ginagamit, halimbawa, sa pang-araw-araw na buhay.
Dahil ito ay tungkol sa pagkakaiba-iba,
meron ding pagkakaiba-iba sa bawat modyul.
Hindi lang ako ang nagpapaliwanag
ng mga bagay sa iyo.
Meron din tayong diskusyon
kasama ang mga estudyante
at meron ding mga panayam
kasama ang mga eksperto,
mga linggwistiko mula sa Netherlands,
at iba pang bansa tungkol sa linggwistik,
at sa kanilang trabaho.
Ngunit higit sa lahat, meron tayong mga
nagsasalita ng iba't ibang wika
Meron kaming nakitang anim na nagsasalita
ng iba't ibang natatanging wika.
At magbibigay sila ng halimbawa
kung papaano nila sinasambit
ang kanilang salita at
pangungusap sa kanilang wika.
At bahala na kayong kumilatis
sa mga halimbawang ito.
At kung ikaw ay nasa advanced track
o mahilig sa ganoon,
iniimbitahan namin kayong magsumite
ng iyong sariling wika.
Gumawa ng video na kung saan sinasabi
ang mga salita at pangungusap
ng inyong wika.
At pagkatapos, maaaring
kilatisin ito ng ibang estudyante.
Iniimbitahan rin namin kayo na makilahok.
Meron tayong online
forum sa ating pahina.
at kung mahilig kayo sa ganitong bagay,
meron din tayong Facebook group kung
saan kayo maaring magtalakay ng mga bagay.
Ngunit sa kahit anong kaso, nais
namin kayong makita sa unang modyul
ng ating kurso sa
Mga Himala ng Wika ng Tao.
Mga Himala ng Wika ng Tao
Panimula sa Linggwistiks