Maligayang pagdating sa "basic addition"! Alam ko ang iniisip mo: "Di ganun ka-basic and addition para sa'kin!" Paumanhin... Nawa'y sa dulo ng palabas, o sa ilang linggo, ay basic na'to sa'yo Simulan natin siguro sa, maari mong sabihin, ilang mga katanungan Simulan natin sa isang tanyag na problema: 1 + 1 At alam ko na alam mo nang gawin ito Pero ipapakita ko yung paraan paano kung saka-sakaling hindi mo pa ito kabisado Sabihin natin, Kung meron akong isa - ito ay isang... avocado Kung meron akong isang avocado at binigyan mo pa ako ng isa Ilang avocado ang meron ako? Isa, dalawang avocado Kaya, ang 1 + 1 ay 2 Ngayong, iniisip mo: "Ang dali naman!" Kaya bibigyan kita ng mas mahirap Ayos itong avocado Ituloy nating ganito Ano ang 3 + 4? Heto, tingin ko, ay mas mahirap Sige, sa avocado pa rin tayo Kung sakaling di mo alam kung ano ang avocado ito'y isa sa mga pinkamasasarap na prutas at isa ring sa mga pinakamalalangis Di mo nga siguro iisiping prutas kung makakita ka nito Sabihin natin meron akong 3 avocado 1 2 3 at binigyan mo pa ko ng 4 Gawin nating dilaw yung 4, para alam mo na ito yung binigay mo sa'kin 1 2 3 4 Ilang mga avocado ang meron ako ngayon? Bilangin natin, 1 2 3 4 5 6 7 avocados Kaya ang 3 + 4 ay 7 Ngayon naman, simulan natin ang isa pang paraan para isipin 'to Ang tawag dito'y: Ang Number Line Ganito ko gagawin sa utak ko, kapag nakalimutan ko, kapag di ko kabisado, Gamit ang number line, isusulat ko ang mga numero nang sunud-sunod, hanggang sa lahat ng numerong gamit ko'y naisulat na Ang unang numero ay 0, na ang ibig sabihi'y wala... ngayon alam mo na, Pagkatapos 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10 Patuloy sa: 11, ... Sabi natin 3 + 4 Simulan natin sa 3 Heto ang 3 Idadagdag natin yung 4 sa 3 Ang gagawin natin, punta tayo sa number line dito sa number line 4 pa Kaya, 1 2 3 4 Dinagdagan lang natin ito ng 1 2 3 4 Napunta tayo sa 7 At yan ang sagot. Pwede pa tayong tumalakay ng iba pang tanong Sabihin natin: Ano ang... Kung itanong ko sa'yo, "ano ang 8 + 1?" Hmmm... 8 + 1 Alam mo na siguro 8 + 1 ay ang susunod na bilang kung titignan ang number line simulan natin sa 8 dagdagan ng 1 ang 8 + 1 ay 9 hirapan natin at para sa iyong kaalaman, kung medyo hindi ka pa sanay, pwede mong iguhit ang mga bilog o kaya ang number line paglipas ng panahon, kapag nasanay ka na, madali mo itong maisasaulo kaya mo itong pagsasagutin ng wala pang isang segundo Promise. kailangan mo lang magsanay lagi Sabihin natin Nais kong iguhit muli ang number line meron nga pala akong line tool kaya hindi dapat pangit yung mga linya ko kung pwede namang... ayan ang ganda... Matinu-tinong linya Parang ayoko nang burahin gumuhit tayo ng number line 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 Mahirap na tanong: Ano ang... (palitan din natin ang kulay) Ano ang 5 + 6 ? kung gusto mo, i-pause mo yung video at subukan ito. Baka nga alam mo na yung sagot Kaya ko inisip na mahirap ito dahil ang sagot ay mas marami sa bilang ng iyong daliri para di mo ito bilangin gamit ang iyong kamay OK, simulan na natin (tumutunog yung cellphone ko...) (pero di ko sasagutin kasi mas mahalaga ka!) Simulan natin 5 Dito sa may 5 dadagdagan natin ng 6 bilangin natin 1 2 3 4 5 6 Nasa 11 tayo Ang 5 + 6 ay 11 Ngayon, tatanungin kita Ano ang 6 + 5 ? Pwede mo bang baligtarin ang dalawang numero at kunin ang sagot? Subukan natin pero ibahin rin natin yung kulay para di tayo malito Simlan natin sa 6 Wag mo munang pansinin yung dilaw dagdagan natin ng 5 1 2 3 4 5 Ha! Pareho! Maari mo itong subukan sa iba pang mga tanong at makikita kung bakit ito gumagana Hindi mahalaga kung ano ang nauna ang 5 + 6 ay pareho lang sa 6 + 5 Hindi ba? Kung may 5 akong avocado at bigyan mo ako ng 6, 11 At kung 6 at bigyan mo'ko ng 5, 11 pa rin Dahil mabisa ang number line Sumagot pa tayo ng ilang tanong gamit 'to Pero sigurado akong malilito ka na kasi patung-patong na ang sulat ko Tignan natin... (puti naman) Ano ang 8 + 7 ? Well... (kung nababasa mo pa'to) ang 8 ay narito dadagdagan natin ng 7 1 2 3 4 5 6 7 Andito tayo sa 15 8 + 7 ay 15 Kaya sana, maunawaan mo kung paano gagawin ang mga problemang ito At higit pa - hula ko matututunan mo rin ang multiplication maya-maya Ang mga ganitong tanong, Kapag nagsisimula ka palang sa sipnayan (maths) Heto ang nangangailangan ng matinding pagsasanay kalaunan kelangan mo rin itong kabisaduhin pero pag tagal, at tinignan mo ito uli, gusto kong maalala mo kung paano mo pinanood ito, at panoorin mo ito uli pagkatapos ng tatlong taon at gusto kong maalala mo kung ano ang iyong naramdaman noong pinapanood mo'to ngayon at sasabihin mo "Oh my God, ang dali naman nito!" dahil mabilis kang matututo anyway... sa tingin ko alam mo na'to At kung hindi mo alam yung sagot sa mga addition problem sa mga exercise Maari mong pindutin yung "hints" at iguguhit namin yung mga bilog na maari mong bilangin o kaya, kung gusto mo itong gawin mag-isa, para makuha mo ito ng tama, pwede mong iguhit yung mga bilog o kaya yung number line na katulad dito. Tingin ko kaya mo na yung iba pang mga tanong sa addition. Have fun!