0:00:00.000,0:00:07.000 Magandang umaga. Kamusta kayo? Magaling, di ba? 0:00:07.000,0:00:11.000 Natangay ako ng buong pangyayari. 0:00:11.000,0:00:15.000 Sa totoo, ako'y aalis na. (Tawanan) 0:00:15.000,0:00:19.000 Merong naging tatlong paksa, di ba? 0:00:19.000,0:00:23.000 na inikutan ng komperensya, na may kinalaman 0:00:23.000,0:00:25.000 sa aking nais talakayin. 0:00:25.000,0:00:29.000 Una, ang pambihirang katibayan ng pagkamalikhain ng tao 0:00:29.000,0:00:32.000 sa lahat ng pagtatanghal na nakita natin 0:00:32.000,0:00:35.000 at sa lahat ng mga tao na narito. Iba-iba nga lang 0:00:35.000,0:00:38.000 at ang lawak nito. Ang pangalawa ay 0:00:38.000,0:00:41.000 tayo'y nasa sitwasyong di natin alam kung anong mangyayari 0:00:41.000,0:00:43.000 sa hinaharap. Walang ideya 0:00:43.000,0:00:45.000 kung anong kalalabasan. 0:00:45.000,0:00:48.000 Ako ay interesado sa edukasyon -- 0:00:48.000,0:00:51.000 talaga, natuklasan ko na ang lahat ay interesado sa edukasyon. 0:00:51.000,0:00:53.000 Kayo rin 'di ba? Nakakatuwang malaman. 0:00:53.000,0:00:56.000 Kung ikaw ay nasa handaang panghapuntan, at sinabi mong 0:00:56.000,0:00:59.000 nagtra-trabaho ka sa edukasyon -- 0:00:59.000,0:01:06.000 katunayan, hindi ka madalas sa mga handaang panghapunan, kung dito ka nagtratrabaho. 0:01:06.000,0:01:09.000 (Tawanan) Hindi ka iimbitahan. 0:01:09.000,0:01:14.000 At di ka na iimbitahain pang muli, kataka-taka. Iyon ay kakaiba sa akin. 0:01:14.000,0:01:16.000 Subalit kung ikaw ay naimbitahan, at sinabi mo sa iba, 0:01:16.000,0:01:18.000 alam mo, tatanong nila, "Anong trabaho mo?" 0:01:18.000,0:01:20.000 at sasabihin mong nagtratrabaho ka sa edukasyon, 0:01:20.000,0:01:24.000 makikita mo ang pamumutla ng kanilang mukha. Na parang, 0:01:24.000,0:01:30.000 "Dios ko," alam mo, "Bakit ako? Kaisa-isang gabi ko sa isang linggo." (Tawanan) 0:01:30.000,0:01:32.000 Kung itatanong mo ang kanilang edukasyon, 0:01:32.000,0:01:34.000 ku-kwelyuhan ka na nila. Dahil isa ito sa mga bagay 0:01:34.000,0:01:37.000 na maselang usapin, tama? 0:01:37.000,0:01:40.000 Parang relihiyon, at pera at ibang bagay. 0:01:40.000,0:01:44.000 May malaki akong interes sa edukasyon, at sa tingin ko lahat tayo. 0:01:44.000,0:01:46.000 May malaki tayong personal na interes dito, 0:01:46.000,0:01:49.000 marahil dahil ang edukasyon ang nakatakdang 0:01:49.000,0:01:52.000 magdadala sa atin sa bukas na di natin alam. 0:01:52.000,0:01:55.000 Kung iisipin mo, ang mga batang papasok sa paaralan sa taong ito 0:01:55.000,0:02:01.000 ay mag-reretiro sa 2065. Walang nakakaalam-- 0:02:01.000,0:02:04.000 sa kabila ng lahat ng ating namalas sa nakaraang apat na araw-- 0:02:04.000,0:02:06.000 kung ano ang magiging itsura ng mundo 0:02:06.000,0:02:08.000 sa loob ng limang taon. At subalit dapat na 0:02:08.000,0:02:11.000 tinuturuan natin sila para doon. Kaya ang walang kaalaman 0:02:11.000,0:02:13.000 ay pambihira. 0:02:13.000,0:02:15.000 At ang ikatlong bahagi nito ay 0:02:15.000,0:02:20.000 tayong lahat ay sumasang-ayon, gayunman, na 0:02:20.000,0:02:23.000 ang mga bata ay may pambihirang kapasidad na taglay -- 0:02:23.000,0:02:25.000 kapasidad sa bagong bagay. Ibig kong sabihin, Si Sirena kagabi ay kamangha-mangha, 0:02:25.000,0:02:28.000 di ba? Ang makita ang kanyang kakayanan. 0:02:28.000,0:02:33.000 siya ay bukod-tangi, subalit hindi lamang sya ang 0:02:33.000,0:02:36.000 bukod-tangi sa mundo ng kabataan. 0:02:36.000,0:02:39.000 Ang ating natunghayan ay isang tao na may kakaibang dedikasyon 0:02:39.000,0:02:41.000 nalaman ang talento. Sa aking palagay, 0:02:41.000,0:02:43.000 lahat ng mga bata ay talento 0:02:43.000,0:02:45.000 At atin itong nilulustay, ng walang pakundangan. 0:02:45.000,0:02:48.000 Kaya nais kong talakayin ang edukasyon at 0:02:48.000,0:02:51.000 nais kong pagusapan ang pagkamalikhain. Ako ay naninniwala na 0:02:51.000,0:02:54.000 magkasing-halaga ang karunungan bumasa at sumulat sa pagkamalikhain, 0:02:54.000,0:02:58.000 at dapat natin itong ituring sa parehong estado. 0:02:58.000,0:03:06.000 (Palakpakan) Salamat. Yun na yun, sya nga pala. 0:03:06.000,0:03:10.000 Maraming salamat. (Tawanan) Labing-limang minuto pa. 0:03:10.000,0:03:17.000 Well, Ako ay ipinanganak.... hindi (Tawanan) 0:03:17.000,0:03:21.000 Kamakailan ay may narinig akong kwento -- Gustong-gusto ko itong kinukwento -- 0:03:21.000,0:03:25.000 isang batang babae sa leksiyon ng pagguhit. Anim na taon 0:03:25.000,0:03:27.000 at sya ay nasa may likuran ng klase, gumuguhit, 0:03:27.000,0:03:29.000 at sabi ng guro ang maliit na batang babae ito ay bibihirang 0:03:29.000,0:03:33.000 nagbibigay pansin, at sa leksiyon ng pagguhit na ito siya ay nagbigay pansin. 0:03:33.000,0:03:35.000 Nabighani ang guro at lumapit siya sa kanya 0:03:35.000,0:03:38.000 at nagtanong, "Anong ginagawa mo?" 0:03:38.000,0:03:41.000 At ang sabi ng batang babaek, "Gumuguhit ako ng larawan ng Diyos." 0:03:41.000,0:03:44.000 At sabi ng guro, "Pero walang nakaka-alam ng itsura ng Dios" 0:03:44.000,0:03:51.000 At sabi ng batang babae, "Maya-maya lang malalaman nila" 0:03:51.000,0:03:52.000 (Tawanan) 0:03:52.000,0:03:57.000 Noong ang aking anak ay apat na taon sa Inglatera -- 0:03:57.000,0:04:00.000 katunayan siya ay apat na taon kahit saan, para maging matapat (Tawanan) 0:04:00.000,0:04:06.000 Kung kami'y magiging strikto tungkol dito, kahit saan siya pumunta, apat na taon siya noong taon na iyon. 0:04:06.000,0:04:08.000 Siya ay nasa Nativity play. 0:04:08.000,0:04:11.000 Naaalala ninyo pa ba ang kwento? Hindi, ito ay napakalaki. 0:04:11.000,0:04:14.000 Ito ay napakalaking kwento. Ginawaan nga ito ng karugtong ni Mel Gibson. 0:04:14.000,0:04:19.000 Maaaring napanood nyo na: "Nativity II." Pero nakuha ni James ang parte ni Joseph, 0:04:19.000,0:04:22.000 na aming lubos na ikinasiya. 0:04:22.000,0:04:24.000 Ibinilang namin itong isa sa mga pangunahing bahagi. 0:04:24.000,0:04:26.000 Siksik ang lugar ng mga naka T-shirt ng: 0:04:26.000,0:04:29.000 "James Robinson ay si Joseph!" (Tawanan) 0:04:29.000,0:04:31.000 Hindi nya kailangan magsalita, alam nyo 0:04:31.000,0:04:34.000 yung papasok ang tatlong hari. May mga bitbit na mga regalo, 0:04:34.000,0:04:36.000 at bitbit nila ang ginto, kamanyang at mira. 0:04:36.000,0:04:38.000 Ito ay talagang nangyari. Nakaupo kami 0:04:38.000,0:04:40.000 tingin ko hindi nila nasunod ang pagkasunod-sunod 0:04:40.000,0:04:42.000 dahil tinanong namin ang isang batang lalake pagkatapos, 0:04:42.000,0:04:44.000 "OK ba sa iyo 'yun?" At sabi nya, "Oo, bakit? May Mali ba ?" 0:04:44.000,0:04:46.000 Nagkapalit lang sila, yun lang. 0:04:46.000,0:04:47.000 Kahit papaano, pumasok ang tatlong lalaki -- 0:04:47.000,0:04:49.000 apat na taong mga bata na may putong sa kanilang mga ulo-- 0:04:49.000,0:04:52.000 at ibinaba ang kanilang mga kahon, 0:04:52.000,0:04:54.000 at sabi ng unang bata, "Bitbit ko ay ginto." 0:04:54.000,0:04:57.000 At sabi ng ikalawang bata, "Ako naman ay mira" 0:04:57.000,0:05:11.000 At sabi ng ikatlong bata, "ipinadala ito ni Frank." (Tawanan) 0:05:11.000,0:05:13.000 Sa lahat ng ito kita ang kahandaan ng mga batang kunin ang pagkakataon. 0:05:13.000,0:05:16.000 Kung di nila alam, gagawan nila ng paraan. 0:05:16.000,0:05:19.000 Tama ba ako? Hindi sila takot magkamali. 0:05:19.000,0:05:24.000 Ngayo, hindi ko sinasabing ang pagkakamali ay tulad rin ng pagiging malikhain. 0:05:24.000,0:05:25.000 Ang alam natin ay, 0:05:25.000,0:05:28.000 kung di ka nakahandang magkamali, 0:05:28.000,0:05:31.000 hindi ka makakagawa ng bagay na orihinal. 0:05:31.000,0:05:34.000 Kung di ka nakahandang magkamali. At sa panahong sila ay mga malalaki na, 0:05:34.000,0:05:36.000 marami sa mga bata ay wala ng kapasidad. 0:05:36.000,0:05:39.000 Sila ay naging matatakutin ng magkamali. 0:05:39.000,0:05:41.000 At ganitong natin pinatatakbo ang ating mga kumpanya, maiba ako. 0:05:41.000,0:05:44.000 Pinapaging malaking kasalanan ang pagkakakmali. At tayo ngayon ay pinapatakbo 0:05:44.000,0:05:47.000 ang nasyonal na sistema ng edukasyon kung saan 0:05:47.000,0:05:50.000 ang pagkakamali ang masahol mong magagawa. 0:05:50.000,0:05:53.000 At ang resulta nito ay inaalisan natin 0:05:53.000,0:05:56.000 ng pagiging malikhain ang mga tao. Nasambit minsan ito ni Picasso. 0:05:56.000,0:05:59.000 Sinabi niya ang lahat ng mga bata ay isinilang na artista. 0:05:59.000,0:06:03.000 Ang problema ay kung paano mapapanatili ito sa paglaki. Lubhang aniniwala ako dito, 0:06:03.000,0:06:05.000 na hindi tayo lumalaki sa pagkamalikhain, 0:06:05.000,0:06:08.000 nawawalan tayo nito. O kaya, tumitigil sa pagkatuto. 0:06:08.000,0:06:10.000 Bakit ganito? 0:06:10.000,0:06:14.000 Nanirahan ako sa Stratford-on-Avon sa nakaraang limang taon. 0:06:14.000,0:06:16.000 Sa katunayan, mula sa Stratford kami ay lumipat sa Los Angeles. 0:06:16.000,0:06:20.000 Maiisip nyo ang kawalan ng koneksyon ng paglipat na iyon. 0:06:20.000,0:06:22.000 (Tawanan) Sa katunayan, 0:06:22.000,0:06:24.000 kami ay nakatira sa Snitterfield, 0:06:24.000,0:06:26.000 sa labas ng Stratford, kung saan 0:06:26.000,0:06:31.000 ipinanganak ang tatay ni Shakespeare. Nakakagulat ba? 0:06:31.000,0:06:33.000 Di nyo akalaing si Shakespeare ay may tatay, ano? 0:06:33.000,0:06:35.000 Di ba? Dahil hindi nyo maisip 0:06:35.000,0:06:37.000 Si Shakespeare sa kanyang kabataan? Di ba? 0:06:37.000,0:06:40.000 Pitong taong Shakespeare? Hindi ko inisip. Ibig kong sabihin, siya ay 0:06:40.000,0:06:42.000 naging pitong taong gulang kahit papaano. Siya ay 0:06:42.000,0:06:51.000 kasali rin sa klase ng English, hindi ba? Naisip nyo ba kung gaano nakakainis yun? 0:06:51.000,0:07:05.000 (Tawanan) "Kailangan mong galingan." S'ya ay pinapatulog din ng tatay niya, alam niyo, 0:07:05.000,0:07:08.000 sinasabihan syang "Matulog na" 0:07:08.000,0:07:10.000 kay William Shakespeare, "at bitiwan na ang lapis. 0:07:10.000,0:07:18.000 At tigilan na ang pagsasalita ng ganyan. Dahil nakakagulo ito sa lahat." 0:07:18.000,0:07:23.000 (Tawanan) 0:07:23.000,0:07:26.000 Kahit papaano, lumipat kami mula Stratford patungo sa Los Angeles, 0:07:26.000,0:07:30.000 at ang isang bagay ukol sa paglipat na iyon. 0:07:30.000,0:07:33.000 Ayaw sumama ng aking anak na lalaki. 0:07:33.000,0:07:36.000 Dalawa ang aking anak. Ang lalake ay 21 na; ang babae ay 16. 0:07:36.000,0:07:38.000 Ayaw niyang sumama sa Los Angeles. Gusto nya, 0:07:38.000,0:07:43.000 pero sya ay may kasintahan sa Inglatera, Ang mahal niya sa buhay, si Sarah. 0:07:43.000,0:07:45.000 Nakilala nya siya ng isang buwan. 0:07:45.000,0:07:48.000 Isipin mo, sila ay nagdiwang ng kanilang ika-apat na anibersaryo, 0:07:48.000,0:07:52.000 dahil mahaba ang panahon kapag ikaw ay 16. 0:07:52.000,0:07:54.000 Siya ay talagang inis habang nasa eroplano, 0:07:54.000,0:07:56.000 At sabi nya, "di na ko makahahanap pa ng tulad ni Sarah." 0:07:56.000,0:07:58.000 At sa totoo lang kami ay masaya sa bagay na iyon, 0:07:58.000,0:08:10.000 sapagkat siya ang pinaka dahilan kung bakit kami aalis ng bansa. 0:08:10.000,0:08:13.000 (Tawanan) 0:08:13.000,0:08:16.000 Peor isang bagay na kapansin-pansin sa paglipat sa Amerika 0:08:16.000,0:08:18.000 at kung bibiyahe ka sa buong mundo: 0:08:18.000,0:08:22.000 Ang bawat sistema ng edukasyon sa mundo ay may pare-pareho ng bahagdan ng mga asignatura. 0:08:22.000,0:08:24.000 Lahat. Kahit saan ka magpunta. 0:08:24.000,0:08:26.000 Aakalain mong hindi ganuon, subalit ganun talaga. 0:08:26.000,0:08:29.000 At ang mga nasa taas ay matematika at lengguwahe, 0:08:29.000,0:08:31.000 sunod ay "humanities", at pinakahuli ang mga "sining." 0:08:31.000,0:08:33.000 Kahit saan sa mundo. 0:08:33.000,0:08:36.000 At karamihan ng bawat sistema din, 0:08:36.000,0:08:38.000 may antas ng bahagdan sa sining. 0:08:38.000,0:08:40.000 Ang sining at musika ay nasa mataas na antas ng mga eskwela 0:08:40.000,0:08:43.000 kaysa drama at sayaw. Walang sistema ng edukasyon sa planeta 0:08:43.000,0:08:45.000 na nagtuturo ng sayaw araw-araw sa mga bata 0:08:45.000,0:08:48.000 tulad ng pagtuturo natin ng matematika. Bakit? 0:08:48.000,0:08:50.000 Bakit hindi? Sa palagay ko ito ay mahalaga. 0:08:50.000,0:08:53.000 Sa tingin ko ang matematika ay napakahalaga, ganoon din ang sayaw. 0:08:53.000,0:08:56.000 Ang mga bata ay sasayaw kahit anong oras kung papayagan sila, tayo rin. 0:08:56.000,0:08:59.000 Tayong lahat ay may katawan, di ba? May nakalimutan ba akong pagtitipon? 0:08:59.000,0:09:03.000 (Tawanan) Ang katotohanan, ang nangyayari ay, 0:09:03.000,0:09:05.000 habang lumalaki ang mga bata, tinuturuan sila 0:09:05.000,0:09:08.000 mula baywang pataas. At tumitigil tayo sa ulo. 0:09:08.000,0:09:10.000 At bahagya sa isang bahagi. 0:09:10.000,0:09:14.000 Kung ikaw ay bibisita sa edukasyon, bilang isang dayuhan, 0:09:14.000,0:09:17.000 at magtatanong "Para saan ito, pampublikong edukasyon?" 0:09:17.000,0:09:19.000 Sa isip ko kailangan mong magpasya -- kung titingin ka sa kalalabasan, 0:09:19.000,0:09:21.000 ang talagang nagtatagumpay ay, 0:09:21.000,0:09:23.000 ang gumagawa ng lahat ng dapat gawin, 0:09:23.000,0:09:26.000 ang nakakakuha ng mga puntos, kung sino ang mga nananalo -- 0:09:26.000,0:09:29.000 Palagay ko'y masasabi nating ang layunin ng pampublikong edukasyon 0:09:29.000,0:09:30.000 sa buong mundo 0:09:30.000,0:09:34.000 ay upang lumikha ng mga propesor sa unibersidad. Hindi ba? 0:09:34.000,0:09:36.000 Sila ang mga taong lumalabas na nangunguna. 0:09:37.000,0:09:40.000 At ako'y isa doon dati, kaya ganun. (Tawanan) 0:09:40.000,0:09:44.000 At gusto ko ang mga propesor sa unibersidad, pero alam ninyo, 0:09:44.000,0:09:48.000 hindi sila dapat itanghal na pinakamataas na karangalan ng tagumpay ng tao. 0:09:48.000,0:09:50.000 Sila ay isa ring uri ng buhay, 0:09:50.000,0:09:52.000 ibang uri ng buhay. Ngunit mas mausisa, 0:09:52.000,0:09:54.000 at sinasabi ko itong may puso para sa kanila. 0:09:54.000,0:09:57.000 May bagay na kausi-usisa sa mga propesor sa aking karanasan -- 0:09:57.000,0:10:00.000 hindi lahat sila, pero karamihan -- ay nabubuhay sa kanilang isip. 0:10:00.000,0:10:02.000 Sila ay nabubuhay doon, at bahagya sa ibang bahagi. 0:10:02.000,0:10:06.000 Para silang kalas-kalas na katawan, alam nyo, sa literal na paraan, 0:10:06.000,0:10:08.000 Ang tingin nila sa kanilang katawan 0:10:08.000,0:10:17.000 ay daanan ng impormasyon patungo sa kanilang ulo, hindi ba sila? 0:10:17.000,0:10:24.000 (Tawanan) Upang may madala sila sa mga pagtitipon. 0:10:24.000,0:10:27.000 Kung gusto ninyo ng tunay na ebidensya ng "out-of-body" na karanasan, 0:10:27.000,0:10:30.000 maiba ako, pumunta kayo sa isang tahanang pagpupulong 0:10:30.000,0:10:32.000 ng mga pang-akademiyang sinyor, 0:10:32.000,0:10:35.000 at dumating kayo sa diskotek sa huling gabi. 0:10:35.000,0:10:39.000 (Tawanan) At doon makikita ninyo -- mga lalake at babae 0:10:39.000,0:10:43.000 namimilipit ng husto, wala sa tyempo, 0:10:43.000,0:10:47.000 naghihintay matapos upang sila ay makauwi at makapagsulat ukol sa kaganapan. 0:10:47.000,0:10:53.000 Ngayon ang ating sistema ng edukasyon ay nakabase sa pang-akademyang abilidad. 0:10:53.000,0:10:56.000 At ito'y may dahilan. 0:10:56.000,0:10:58.000 Ang buong sistema ay na-imbento -- sa buong mundo, mayroon 0:10:58.000,0:11:00.000 noong walang pampublikong sistema ng edukasyon, bago ang ika-19 na siglo. 0:11:00.000,0:11:03.000 Ito ay naisakatuparan lamang 0:11:03.000,0:11:04.000 dahil sa pangangailangan ng industriyalismo. 0:11:04.000,0:11:07.000 Kaya ang sistema ay naka-ugat sa dalawang ideya. 0:11:07.000,0:11:11.000 Una, ang kagamit-gamit na asignatura sa pagtra-trabaho 0:11:11.000,0:11:13.000 ay nasa taas. Kaya maaring bahagyang napalayo kayo 0:11:13.000,0:11:15.000 sa mga bagay at eskwelahan noong bata pa kayo, mga bagay na gusto ninyo, 0:11:15.000,0:11:17.000 sa kadahilanang hindi ka 0:11:17.000,0:11:20.000 magkakatrabaho kapag iyon ang iyong ginawa. Tama ba? 0:11:20.000,0:11:22.000 Huwag musika, hindi ka magiging musikero; 0:11:22.000,0:11:24.000 Huwag sining, hindi ka magiging artist. 0:11:25.000,0:11:29.000 Lihis na payo -- ngayon, malaking pagkakamali. Ang buong mundo 0:11:29.000,0:11:30.000 ay nababalot ng rebolusyon. 0:11:30.000,0:11:33.000 At ang pangalawa ay ang pang-akademyang abilidad, na tunay na nangingimbabaw 0:11:33.000,0:11:34.000 sa 'ting pananaw ng intelihensya, 0:11:34.000,0:11:37.000 dahil ganito dinesenyo ng mga unibersidad ang sistema. 0:11:37.000,0:11:39.000 Kung iyong iisipin, ang buong sistema 0:11:39.000,0:11:41.000 ng pampublikong edukasyon ay nakabatay sa pinalawig na proseso 0:11:41.000,0:11:43.000 ng pagpasok sa unibersidad. 0:11:43.000,0:11:46.000 At ang resulta ay maraming puno ng talentong, 0:11:46.000,0:11:48.000 magagaling, malikhaing indibidwal ang hindi naniniwala sa sarili, 0:11:48.000,0:11:50.000 dahil ang bagay kung saan sila magaling sa paaralan 0:11:50.000,0:11:54.000 ay di binigyang halaga, o sanhi ng kanilang kahihiyan. 0:11:54.000,0:11:56.000 At hindi natin maaaring hayaan ito. 0:11:56.000,0:11:58.000 Sa susunod na 30 taon, ayon sa UNESCO, 0:11:58.000,0:12:01.000 maraming tao sa buong mundo ang magtatapos 0:12:01.000,0:12:03.000 sa edukasyon na di pa nangyayari simula noon. 0:12:03.000,0:12:05.000 Maraming tao, at ito ay kombinasyon 0:12:05.000,0:12:07.000 ng lahat ng bagay na ating tinalakay -- 0:12:07.000,0:12:10.000 ang teknolohiya at ang epekto nito sa trabaho, at demograpiya 0:12:10.000,0:12:12.000 at ang lawak ng pagsabog ng populasyon. 0:12:12.000,0:12:15.000 Bigla nalang, ang mga titulong nakamit ay walang halaga. Di ba ito totoo? 0:12:15.000,0:12:19.000 Noong ako'y mag-aaral, kung ikaw ay may natapos, may trabaho ka. 0:12:19.000,0:12:22.000 Kung ikaw ay walang trabaho yan ay dahil ayaw mo. 0:12:22.000,0:12:25.000 At ayaw ko ng trabaho, sa totoo lang. (Tawanan) 0:12:25.000,0:12:30.000 Subalit ngayong kadalasan ang mga batang nagsipagtapos 0:12:30.000,0:12:31.000 ay umuuwi upang ipagpatuloy ang paglalaro ng "video games," 0:12:31.000,0:12:34.000 dahil kailangan ng "MA" sa dating BA lang ang kailangan 0:12:34.000,0:12:37.000 ngayon kailangan ng PhD sa iba. 0:12:37.000,0:12:39.000 Ito ay proseso ng pagbintog ng akademya. 0:12:39.000,0:12:41.000 At ito'y nagpapahiwatig na ang buong istraktura ng edukasyon 0:12:41.000,0:12:43.000 ay nagbabago. Kailangan nating pag-isipang muli 0:12:43.000,0:12:44.000 ang ating pananaw ukol sa intelehensya. 0:12:44.000,0:12:46.000 Tatlong bagay ang alam natin sa intelehensya. 0:12:46.000,0:12:49.000 Una, ito'y iba-iba. Tulad ng pagtanaw natin sa mundo 0:12:49.000,0:12:51.000 sa karanasan natin dito. Napapaisip tayo ng ating nakikita, 0:12:51.000,0:12:54.000 ng ating naririnig, sa paraang "kinesthetic". 0:12:54.000,0:12:57.000 Tayo'y nag-iisip sa paraang abstract, nag-iisip sa pagkilos. 0:12:57.000,0:12:59.000 Ikalawa, ang intelihensya ay buhay. 0:12:59.000,0:13:02.000 Kung titingnan natin ang pakikipagniig ng utak ng tao, tulad ng ating narinig 0:13:02.000,0:13:05.000 kahapon mula sa iba't ibang pagtatanghal, 0:13:05.000,0:13:07.000 kamangha-mangha ang pakikipag-ugnayan ng intelihensya. 0:13:07.000,0:13:10.000 Ang utak ay di nahahati sa kompartamento. 0:13:10.000,0:13:13.000 Sa katunayan, ang pagkamalikhain -- ay ang proseso 0:13:13.000,0:13:15.000 ng pagkakaroon ng mga orihinal na ideya na may halaga -- 0:13:15.000,0:13:18.000 na madalas na nakakamit sa pakikipagniig 0:13:18.000,0:13:21.000 ng iba't-ibang pamamaraan ng pagtingin sa mga bagay bagay 0:13:21.000,0:13:23.000 Ang utak ay intensyonal -- sya nga pala, 0:13:23.000,0:13:26.000 may tangkay ng "nerves" na nag-uugnay sa dalawang kalahati ng utak 0:13:26.000,0:13:28.000 na tinatawag na "corpus callusum". Mas makapal sa mga babae. 0:13:28.000,0:13:30.000 Tulad ng sinabi ni Helen kahapon, aking palagay 0:13:30.000,0:13:34.000 marahil dahil dito kaya ang mga babae ay magaling sa "multi-task". 0:13:34.000,0:13:36.000 Dahil kayo ay ganun, di ba? 0:13:36.000,0:13:39.000 Maraming pagsasaliksik, subalit batid ko mula sa karanasan. 0:13:39.000,0:13:41.000 Kung ang aking asawa nagluluto ng pagkain -- 0:13:41.000,0:13:45.000 na hindi kadalasan, salamat. (Tawanan) 0:13:45.000,0:13:48.000 Pero alam nyo, sya'y totoong magaling sa mga bagay -- 0:13:48.000,0:13:50.000 kung siya'y nagluluto, alam nyo, 0:13:50.000,0:13:52.000 may kausap sya sa telepono, 0:13:52.000,0:13:55.000 kausap ang mga bata. nagpipintura ng kisame, 0:13:55.000,0:13:58.000 sya ay nag-oopera ng puso sa gawi rito. 0:13:58.000,0:14:01.000 Kung ako'y nagluluto, nakapinid ang pinto, nasa labas ang mga bata, 0:14:01.000,0:14:04.000 nakapirmi ang telepono, nayayamot ako pag pumasok ang asawa ko. 0:14:04.000,0:14:17.000 Sinasabi ko, "Terry, paki-usap lang? Nag pi-pirito ako ng itlog dito. Pwede ba? (Tawanan) 0:14:17.000,0:14:19.000 Alam nyo ba yung matandan kasabihan, 0:14:19.000,0:14:22.000 kapag ang isang puno ay natumba sa kakahuyan at walang nakarinig nito, 0:14:22.000,0:14:25.000 nangyari ba ito? Naalala nyo ba ang lumang chestnut? 0:14:25.000,0:14:28.000 May t-shirt na nakasulat, "Kung magsasabi ng nilalaman ng kanyang isip ang lalaki 0:14:28.000,0:14:31.000 sa kakahuyan, at walang babaeng nakakarinig sa kanya, 0:14:31.000,0:14:40.000 may mali pa kaya sya?" (Tawanan) 0:14:40.000,0:14:42.000 Ikatlong bagay ukol sa intelihensya ay, 0:14:43.000,0:14:45.000 ito'y kakaiba. Nagsusulat ako ng bagong aklat sa kasalukuyan 0:14:45.000,0:14:47.000 na tinatawag na "Epiphany", base sa isang series ng 0:14:47.000,0:14:49.000 pakikipagpanayam sa mga tao ukol sa paano nila nadiskubre 0:14:49.000,0:14:51.000 ang kanilang talento. Nakakatuwa kung paano nila nadidiskubre. 0:14:51.000,0:14:54.000 Ito ay sadyang umudyok ng pakikipagusap ko 0:14:54.000,0:14:56.000 sa isang kahanga-hangang babae na maaring ang karamihan 0:14:56.000,0:14:58.000 ay hindi sya nakikilala, sya ay si Gillian Lynne, 0:14:58.000,0:15:00.000 kilala nyo ba sya? Siya a isang "choreographer" 0:15:00.000,0:15:02.000 at lahat ay kilala ang kanyang trabaho. 0:15:02.000,0:15:04.000 Ginawa nya ang "Cats," at ang "Phantom of the Opera." 0:15:04.000,0:15:08.000 Siya ay kahanga-kahanga. Minsan akong naging bahagi ng Royal Ballet, sa Inglatera, 0:15:08.000,0:15:10.000 tulad ng nakikita nyo. 0:15:10.000,0:15:12.000 Kahit papaano, si Gillian at ako ay nananghalian ng isang araw at sabi ko sa kanya, 0:15:12.000,0:15:14.000 "Gillian, pa'no ka ba naging isang mananayaw?" At sabi nya 0:15:14.000,0:15:16.000 nakakatuwa, nung sya ay nasa paaralan, 0:15:16.000,0:15:19.000 sya'y walang pag-asa. At ang paaralan, nung dekada '30, 0:15:19.000,0:15:21.000 ay sumulat sa kanyang mga magulang at sinabing, "Sa aming palagay 0:15:21.000,0:15:23.000 si Gillian ay may pag-aaral na disorder." Di sya makapag-concentrate, 0:15:23.000,0:15:25.000 sya ay makilos. Ngayon tatawagin syang 0:15:25.000,0:15:29.000 may ADHD. Di ba? Subalit ito ay nasa 1930. 0:15:29.000,0:15:32.000 at ang ADHD ay di pa naiimbento noon. 0:15:32.000,0:15:35.000 Di pa sya pwedeng sa ganung condition (Tawanan) 0:15:35.000,0:15:39.000 Di pa alam ng mga tao na pwede nilang makuha ang ganito. 0:15:39.000,0:15:43.000 Kahit papaano, sya ay ipinatingin sa espesyalista. Kaya, itong silid, 0:15:43.000,0:15:46.000 sya at ang kanyang nanay, 0:15:46.000,0:15:49.000 at siya ay ginabayan at pinaupon sa dulo ng upuan, 0:15:49.000,0:15:51.000 at inupuan nya ang kanyang kamay ng 20 minute habang 0:15:51.000,0:15:53.000 ang taong ito'y nakikipagusap sa kanyang nanay sa lahat 0:15:53.000,0:15:57.000 ng mga problema ni Gillian sa paaralan. At pagkatapos -- 0:15:57.000,0:15:59.000 dahil nagagambala nya ang mga tao, 0:15:59.000,0:16:01.000 palagi syang huli sa takdang aralin, at marami pang iba, 0:16:01.000,0:16:04.000 batang walong taong gulang-- nilapitan ng doctor at naupo 0:16:04.000,0:16:06.000 katabi ni GIlllian at sabi ,"Gillian, 0:16:06.000,0:16:08.000 Napakinggan ko ang lahat ng sinabi ng iyong nanay 0:16:08.000,0:16:10.000 at kailangan ko syang makausap ng sarilinan" 0:16:10.000,0:16:13.000 Sabi nya, "Dito ka lang, babalik kami, di kami magtatagal." 0:16:13.000,0:16:15.000 at sila ay umalis at iniwan sya. 0:16:15.000,0:16:17.000 Bago tuluyang lumabas, pinatugtog nya ang radio 0:16:17.000,0:16:19.000 na nasa kanyang lamesa. At ng sila 0:16:19.000,0:16:21.000 ay makalabas, sabi nya sa nanay, 0:16:21.000,0:16:24.000 "Tayo ka at panoorin mo sya." Sa sandaling lumabas sila 0:16:24.000,0:16:28.000 sabi nya, sya ay tumayo, at nagsimulang gumalaw kasabay ng tugtog. 0:16:28.000,0:16:30.000 At sila ay nanood ng ilang minuto 0:16:30.000,0:16:33.000 at tumingin sya sa nanay at nagsabi, 0:16:33.000,0:16:37.000 "Ginang Lynne, si Gillian ay walang sakit, sya ay mananayaw. 0:16:37.000,0:16:39.000 Dalhin mo sya sa isang dance school." 0:16:39.000,0:16:41.000 Sabi ko, "Anong nangyari?" 0:16:41.000,0:16:44.000 Sabi nya, "Ginawa nya. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kamangha-mangha ito. 0:16:44.000,0:16:46.000 Pumasok kami sa silid na ito at ito ay puno ng 0:16:46.000,0:16:49.000 mga kagaya ko. Hindi makatagal na nakaupo lang. 0:16:49.000,0:16:52.000 Mga taong kailangang kumilos para makapag-isip." Kailangang gumalaw para mag-isip. 0:16:52.000,0:16:54.000 Nag-ballet, nag-tap, nag-jazz, 0:16:54.000,0:16:56.000 nag-modern, nag-contemporary. 0:16:56.000,0:16:59.000 Di kalaunan sya ay nag-odisyon sa Royal Ballet School, 0:16:59.000,0:17:01.000 siya ay naging isang soloista, nagkaroon ng magandang career 0:17:01.000,0:17:03.000 at sa Royal Ballet. Sya ay nagtapos 0:17:03.000,0:17:05.000 mula sa Royal ballet School at 0:17:05.000,0:17:08.000 nagtayo ng sariling kumpanya -- Gillian Lynne Dance Company -- 0:17:08.000,0:17:11.000 nakilala si Andrew Lloyd Weber. Sya rin ang responsable sa 0:17:11.000,0:17:13.000 ilan sa mga matagumpay na pagtatanghal na teatrong musikal 0:17:13.000,0:17:18.000 na produksyon sa kasaysayan, million ang napasaya nya, 0:17:18.000,0:17:21.000 at siya ay isang multi-millionaire. May isang tao 0:17:21.000,0:17:25.000 dapat magbigay sa kanya ng gamot upang sya ay 0:17:25.000,0:17:27.000 manahimik. 0:17:27.000,0:17:30.000 Sa aking palagay.. (Palakpakan) Ang kalalabasan nito ay: 0:17:30.000,0:17:32.000 Si Al gore ay nagsalit noong isang gabi 0:17:32.000,0:17:35.000 ukol sa ekolohiya, at sa rebolusyon na pinasimulan ni Rachel Carson 0:17:35.000,0:17:39.000 Naniniwala ako na ang pag-asa sa kinabukasan 0:17:39.000,0:17:42.000 ay ang gumamit ng bagong konsepto ng "human ecology", 0:17:42.000,0:17:46.000 isa na syang magsisimulang magpanibago ang ating pagkaunawa 0:17:46.000,0:17:48.000 ukol sa yaman ng kapasidad ng tao. 0:17:48.000,0:17:52.000 Ang sistema ng edukasyon ang nagmimina ng ating kaisipan kung saan 0:17:52.000,0:17:54.000 inalisan nating ang mundo: ng isang natatanging kalakal. 0:17:54.000,0:17:57.000 At sa kinabukasan, hindi ito makakabuti sa atin. 0:17:57.000,0:18:00.000 Pag-isipan nating muli ang mga pangunahing batayan 0:18:00.000,0:18:02.000 na ipinanghuhubog sa ating kabataan. May isang 0:18:02.000,0:18:06.000 magandang sinabi si Jonas Salk, "Kung ang mga insekto 0:18:06.000,0:18:09.000 ay mawawala sa mundo, 0:18:09.000,0:18:12.000 sa 50 taon lahat ng buhay sa mundo ay magwawakas. 0:18:12.000,0:18:15.000 Kung ang lahat ng tao ay mawawala sa mundo 0:18:15.000,0:18:19.000 sa 50 taon lahat ng buhay sa mundo ay sasagana." 0:18:19.000,0:18:21.000 At tama sya. 0:18:21.000,0:18:24.000 Ang ipinagdiriwang ng TED ay ang kaloob ng maglikhaing-isip. 0:18:24.000,0:18:28.000 Kailangang mag ingat sa paggamit ng kaloob na ito 0:18:28.000,0:18:31.000 husayan, upang tayo ay kumawala sa mga senaryo 0:18:31.000,0:18:34.000 senaryo na ating natalakay. At ang tanging paraan 0:18:35.000,0:18:38.000 ay makita natin ang ating malikhaing kakayanang 0:18:38.000,0:18:40.000 sa yamang taglay nito, at makita 0:18:40.000,0:18:43.000 natin ang pagasang meron ang mga bata. Tungkulin natin 0:18:43.000,0:18:46.000 linangin ang kanilang buong katauhan, para sa kinabukasan. 0:18:46.000,0:18:49.000 Maaring di natin makita ang hinaharap, 0:18:49.000,0:18:52.000 subalit makikita nila. Trabaho nating tulungan 0:18:52.000,0:18:54.000 silang makalikha mula sa mga ito. Maraming salamat.