Sinimulang gawin ni Murray Schisgal, mga tatlumpun-taon ko nang naging kaibigan, ang pelikulang "Tootsie" na may palaisipang: "Papaano kaya kung ika'y ipinanganak na 'babae'?" sa aming pag-uusap nung isang araw; sa halip na "Ano ang pakiramdam ng maging isang babae?" dahil maging iba man ang kanilang kasarian, naitanong na ito sa sarili nila kung: "Ano ang pakiramdam ng may kasalungat na kasarian?" Subalit, na-iiba ang kanyang katanungan: "Kung ika'y ipinanganak na 'babae', gaano ka maging kaka-iba?" Doon nagsimula, kung kaya't di namin mai-sasagot kaagad kung papaano namin isinagawa ang "Tootsie" sa loob ng dalawang taon bago namin yaon ipinamahala; sa dami ng naisagawang mga lathalain. Ngunit lumapit ako sa Columbia Pictures upang maki-usap sa kanila na pag-gastusan nila ang mga pangunahing pag-aayos nila sa akin nang sa gayo'y ako'y mag-mukhang babae. At kung hindi ko magagawa yaon, maaari nilang tanggihan ang pag-sasapelikula nito. Tanong nila: "Ano ang ibig mong sabihin?" Pakiramdam ko lamang ay "hangga't ako'y makakapaglakad sa New York na naka-damit pang-babae nang hindi mapaghihinalaang bilang isang lalaking nag-dadamit babae, o kaya'y mapaghinalaang tunay na kakaiba... hangga't magagawa ko yaon, ayokong ituloy na gawin ang pelikula. Ayaw kong mangyaring pigilin ang mga manonood sa kanilang pag-sasatiwala. Pagdating namin doon sa pinilakang-tabing, ikinagulat ko sa sarili na hindi ako naging higit na kaakit-akit at aking wika'y "Ngayon na ako'y mukhang babae, ako ngayo'y inyong pagandahin." dahil sa tingin ko'y "maganda dapat ako." Kung ako'y magiging babae hangga't maaari'y kinakailangan kong maging ubod ng ganda. At ang sabi nila sa akin: "Wala nang mas gaganda pa diyan." ... "Napaganda ka na namin nang husto!" ... 'Charlie'...! Napamulat ako sa pagkakataong yaon at nung ako'y umuwi nang pa-hikbi, ang sabi ko sa asawa ko: "Kailangan kong gawin ang pelikulang ito." Ani niya'y, "Bakit?" Sabi ko'y: "Sa tingin ko'y isa akong naka-wiwiling babae. sa tuwing napapanood ko ang sarili ko sa pelikula. At kung sakaling nakilala ko ang sarili ko sa isang pagtitipon hindi ko siya makaka-usap, yung pagka-taong yaon, dahil ang kanyang buong pangkatauhan ay di akma, ayon sa kinalakihan namin, sa mga katangiang hinahanap namin sa babae upang sila'y aming suyuin. Sabi niya, "Ano ang ibig mong sabihin?" Ang sabi ko'y, "Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong ... ... kumilala ng iba't-ibang nakawiwiling mga babae sa kadahilanang ako ay nagpa-uto." At... hindi yaon isang katatawanan para sa akin.