Kamusta sa inyong lahat! Ako si Markiplier at maraming salamat sa inyo sa pananatili sa tabi ko hanggang sa ika-1,000 video ko. Mahirap rin na isipin kung paano tayo nakarating sa puntong ito at gusto ko sanang may magawang espesyal para sa 1,000 milyahe ng subscribers. O, hindi 1,000 na subscribers, 1,000 milyaheng video. at sa tingin ko, itong videong ito ang magsasabi sa inyo kung papaano ako nakapunta dito mula Point A hanggang Point B. At kung papaano niyo ako natulungang baguhin ang buhay ko. Dahil, itong mga bagay na ito ay importante para sa akin kasi nasasabi nila kung paano ako naging "Ako". At talagang pinahahalagahan ko kayo sa pagsama sa akin. Kaya, HETO NA TAYO! Ipinanganak ako sa isang isla sa gitna ng Karagatang Pasipiko na tinatawag na O'ahu na ikatlong pinaka malaking isla ng Hawaii. At tirahan sa Siyudad ng Honolulu, kung saan ipinanganak ako sa isang Base Militar. Ang tatay ko ay isang "Career Army man", kasapi siya ng Militar sa loob ng 23 taon bago siya nag-retiro. Habang naka-istasyon siya sa Korea ay nakilala niya ang Ina ko. Ang madalas na marinig na istorya, napag-alaman ko. Ngunit ang resulta ng kanilang pakakakilala ay ako. Isang marikit na sanggol. Hindi... naman talaga marikit iyan dyan dahil ang abilidad ko sa pagguhit ay hindi sapat. GANOON PA MAN, hindi alintana sa lahat ng iyon ang ipinanganak ako, at ipinanganak akong astig at maskulado. Isa akong napakalaking sanggol, na laging ipinapaalala sa akin ng aking Ina kapag nagkataon. Ako ay 10 pounds at 3 ounces, at samakatuwid ay pinangalanan nila akong Mark. Maskulado syempre, HUWAG NYO KONG PAGDUDAHAN! Hindi nagtagal, matapos akong ipanganak ay nagretiro ang Tatay ko sa Militar upang magtrabaho bilang isang "Layout Artist" sa isang kumpanya ng libro. Pero, napunta pa din kami sa Cincinnati, Ohio, sa lahat ng lugar. Hindi naman ako sigurado dahil wala naman kaming kadugo dito. Ah, lumipat kami sa isang nakakamanghang bahay na mayroong napakalaking bakuran. na papunta sa isang napaka-gandang kagubatan kung saan ako at ang aking kapatid ay nagpapalipas ng oras. Ibig kong sabihin, kung wala kami sa computer nasa kagubatan kami ngalalaro sa may sapa, nangunguha ng mga butete, pumuputol ng baging, sumasapik rito. Ibig kong sabihin, talagang nagsama kami doon sa kagubatang iyon at yun ay isa sa mga bagay na pinaka na-mi-miss ko tungkol sa bahay na iyon, ngunit kapag wala kami sa kagubatan ay naglalaro kami dito sa isang mahiwagang kagamitan na tinatawag na kompyuter na ipinakilala sa amin ng tatay namin sa napakamurang edad. Pero, seryoso talaga, namangha ako dito sa mga panahong iyon kasi hindi ko maisip na mabuhay nang wala iyon. Kasi, kinuwento niya na sinauna pa yung mga kompyuter at halos pumuno ito ng mga silid pero natuliro na lang ako sa kaya nitong gawin. Hindi ko pa alam yung Internet noon. Merong mga laro sa computer ngunit ang TUNAY na karanasan na nakuha ko sa larangan ng paglalaro ay nagmula sa Super Nintendo System na natanggap ng kapatid ko noong pasko. Kasi, itong bagay na ito lang ang dahilan kung bakit kami magkasundo ng kapatid ko ngayon dahil naglaro kami ng sobrang daming laro gamit ito. Iyon ang kapatid ko sa kaliwa. Ang pangalan niya ay Tom, at iyon ako sa kanan at kung mapapansin niyo ay mas astig pa rin ako pero Astig rin naman siyang tao at hindi ko maisip kung ano ako ngayon kung wala siya. Ngunit hindi lahat ng pangyayari ay masaya noon. Laging nag-aaway ang mga magulang ko. at kapag sinabi kong laging nag-aaway ibig kong sabihin, laging pala-away ang Nanay ko at kinakailangan pang gumanti ng Tatay ko. Um, hindi siya masaya kung nasaan siya noon at hindi namin maintindihan kung bakit pero ako at ang kapitid ko ay naglaro na lamang ng mga Video Games upang hindi ito mapansin. Yung para bang hindi nalang namin pinapansin hanggang sa makakaya. Pero hindi na umipekto iyon. Hindi rin naman maiiwasan iyon ngunit nag-diborsyo na din sila... At malungkot din kami, pero mas malungkot kaming makita ang aming ama na bumigay. Naubusan na kami ng pera, kalahati ng kita ay wala na; kaya kinailangan nang isangla yung bahay, hindi na rin kami makabili ng kasingdaming laro kumpara noon. Kaya medyo nawalan din kami ng laro, pero mabuti na lang at hindi nawalay sa amin yung kompyuter At yun ang nagtulak sa pagmamahal ko sa mga kompyuter at teknolohiya Dapat ko ding mabanggit na isa akong batang tanga. Uh, may paligsahan kaming magkapatid kung saan magpataasan kami ng talon sa hagdan At tignan kung sino yung kayang bumagsak sa kutsyon sa ibaba. Mananalo dapat ako, pero nabasag at nabuka ko yung bungo ko sa panghuling hakbang. Mas magkakameron ito ng kahulugan mamaya, pero nabanggit ko nga, isa akong batang tanga.